368

Jan 14, 2021 @ 18:39
By

Maiingay na motorsiklo ipagbabawal na ni Pangulong Duterte

pagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga maiingay na motorsiklo sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ay matapos mabulabog ang kanyang talumpati sa maingay ng harurot na tunog ng motorsiklo sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 Project sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ng Pangulo na isang uri ng polusyon ang ingay ng humaharurot na mga sasakyan kaya maglalabas ito ng direktiba sa mga susunod na araw.

“Walanghiya, iyan ang ayaw ko.Pollution is really very very present in our lives and it is really considered a pollution and is hazard to the health of the people,” anang Pangulo.

Wala aniyang maririnig na maingay na motorsiklo sa Davao City dahil sinisita at pinapaalis niya ang mga maiingay na tambutso ng mga ito.

“You know in Davao wala yan, pinapara ko sa highway tapos sabi ko “tanggalin mo yan . There is ni broom broom around. It’s quiet and it is extremely quiet,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?