1,848

Jul 14, 2021 @ 11:21
By

Maid pinababaril daw: Anak ng business tycoon nagwala dahil sa hotdog!

Nagreklamo ang isang kasambahay matapos nitong ma-videohan ang paninigaw at pananakot sa kanya ng kanyang amo dahil lang sa hotdog.

Sa ‘Idol in Action’, inireklamo ni Rocelle Siay si Timmy Tan, na diumano’y anak ng business tycoon na si Lucio Tan, dahil inutusan daw ng kanyang amo ang mga bodyguard na barilin siya.

Kuwento ng kasambahay, nagalit umano si Timmy nang magluto siya ng hotdog para sa ibang babae ng kanyang amo na nakatira raw sa itaas ng mansyon nito.

Depensa naman ni Rocelle, gusto umano ng babae na simpleng pagkain lang at huwag mga meat, kaya naisip niyang lutuan na lang ito ng itlog at hotdog.

Doon na raw nagalit si Timmy nang malamang hotdog lang ang pinakain sa babae.

“Sabi naman ng babae, ‘Okay lang naman ako doon kasi busog naman na ako’. Nagalit pa rin yung boss ko… minura niya po ako,” kuwento ng kasambahay.

Sa video, maririnig na tila may inutusan ang amo na barilin si Rocelle habang sila’y nagkakasagutan.

Naghain naman ng kasong cyberlibel si Tan laban sa katulong dahil sa pag-post sa social media ng kanilang alitan.

Tumanggi naman si Tan na magpa-interview kay Raffy Tulfo at hahayaan ang mga abogado na gumawa ng aksyon.

Nangako naman ang mamamahayag na susuportahan ang kasambahay sa kasong kinakaharap nito, at tutulungan din ito sakaling gustong maghabla ng grave threat dahil sa pananakot na barilin si Rocelle ng bodyguard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?