881

Aug 5, 2022 @ 13:05
By

‘Maid in Malacañang’ sa Vivamax lang sana – Darryl Yap

Taos-puso ang pasasalamat ni ‘Maid in Malacañang’ director Darryl Yap sa isang negosyante na naging daan para maipalabas sa mga sinehan ang kanyang pelikula.

Sa ambush interview ng vlogger na si Ghost Wrecker, ibinunyag ni Yap na si Mr. Hans Sy ng sikat na mall na SM ang humikayat kina Sen. Imee Marcos na ipalabas sa mga SM cinema ang Maid in Malacañang.

Sey pa ni Yap, dapat ay sa Vivamax lang ipapalabas ang kanyang pelikula. Ang Vivamax ay ang video streaming app ng VIVA Films.

“This was planned to be in Vivamax lang,” wika ng direktor. “Inawitan nila itong pelikula na ito, para finally, mahikayat itong mga taong bumalik sa mga sinehan.”

Kaya naman, todo ang pasasalamat ni Yap sa SM at kay Sy.

“Nagpapasalamat lang ako, first and foremost sa SM, kay Mr. Hans Sy, of course sa inyo mga vloggers na kayo ang mga makabagong mga pinagkakatiwalaang media ng panahong ito,” dagdag pa ng direktor.

Tila nagbunga naman ang pangungulit ng SM na ipalabas sa sinehan ang Maid in Malacañang dahil kumita na ito ng P41 milyon sa unang dalawang araw, ayon sa VIVA. (MJD)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?