43

Dec 10, 2017 @ 16:47
By

Mahusay na computerization sa BOC, itutulak ni Lapena

Sa kanyang ika-100 araw sa puwesto, nanindigan si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na kasama sa kanyang tututukan ang modernisasyon sa sistema ng ahensya.

Ayon kay Lapena, target nila na gawing fully-automated ang sistema at ang mga proseso sa BOC para matiyak na nasa oras ang pagproseso sa mga kargamento.

Posible umano na maisakatuparan ang full automation sa susunod na taon.

Gagamitin sa proyekto ang US$200 million na pautang ng World Bank para sa pagpapahusay ng computerization sa BOC.

Naniniwala si Lapena na malaki ang maitutulong ng mas mahusay na automation sa BOC para tuluyang mawalis ang katiwalian sa ahensya.

Panahon na rin umano para makasabay ang BOC sa sistemang ipinatutupad sa ibang bansa sa pagproseso ng mga angkat na kargamento.

Nagsimulang manungkulan sa BOC si Lapena noong August 30, 2017 kapalit ni dating Commissioner Nicanor Faeldon na nagbitiw sa puwesto matapos masangkot sa kontrobersiya ng P6.4 billion shabu shipment noong Mayo 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?