6

Oct 22, 2020 @ 15:59
By

Mahomes pasok na sa ‘Girl Dad Gang’ ng NFL

Isang baby girl ang inaasahan ng engaged couple na sina NLF superstar Patrick Mahomes at Brittany Matthews.

Sa video na ipinost ni Matthews, makikita ang kanilang mga alagang aso na ginamit nila sa gender reveal.

Saad ni Matthews, “yes, my dogs walked down a run way with pink paws for the reveal.”

Humirit naman si Mahomes ng “#GirlDad.”

Nitong nakaraang buwan lang inanunsiyo ng dalawa ang kanilang pagkakaroon ng anak at newly engaged couple rin ang dalawa na matagal na rin namang magkarelasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?