23

Jan 11, 2021 @ 17:36
By

Mahirap pigilan! Pringle ‘import’ ng Ginebra – Tenorio

“Kung import conference, may Justin Brownlee. ‘Pag All-Filipino, may Stanley Pringle kami.”

‘Yan ang sinabi ni Ginebra point guard LA Tenorio tungkol kay Pringle sa panayam ni Mikee Reyes sa ‘Straight Up’.

Lahad ni Tenorio, import ang turing nila sa 2018 PBA scoring champion lalo’t kaya nitong buhatin ang koponan kung gugustuhin nito.

“We treat him as an import eh. Ako I treat him as an import,” ayon kay ‘Tinyente.

“You have to take advantage of the talent… Hindi mo siya puwedeng pigilan eh, iskor talaga,” aniya pa.

Paliwanag pa ni Tenorio, kung bubuhos si Pringle ay kakayanin nitong mag-average ng 30 points sa isang conference.

Akala din umano ni Tenorio na kay Pringle o Japeth Aguilar mapupunta ang Finals MVP award sa kanilang bubble championship, na kanyang nasungkit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?