64

Apr 16, 2020 @ 18:51
By

Mahirap magpalit ng ‘kapitan’ sa gitna ng digmaan – Bong Go sa panawagang pag-resign ni Duque

Bagama’t nirerespeto ang posisyon ng Senado para sa agarang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque, hindi aniya ito ang tamang panahon para magpalit ng “kapitan’ sa gitna ng digmaan laban sa COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Nirerespeto ko ang posisyon ng mga kasamahan ko sa Senado. At sumasang-ayon ako na merong mga pagkukulang, hindi lang si Sec. Duque, kundi ang buong DOH,” pahayag ni Go sa isang statement.

Aniya, pilay na rin musmo ang tanggapan dahil ilan sa mga opisyal nila ay tinamaan din ng nasabing virus.

“Marahil lahat rin ng tao sa DOH, hirap na gumalaw with all the cases they are facing. Sila mismo ay pilay na rin since many of our health officials are sidelined. There are 51 individuals within the DOH central office compound who are positive for COVID-19,” ani Go.

“Pero nais ko rin ipahatid ang aking posisyon na sa panahong ito, mahirap na magpalit pa tayo ng “kapitan” sa gitna ng digmaan,” dagdag pa nito.

Sa halip na ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Duque, mas mainam aniyang magbayanihan para mabilis na malagpasan ang COVID-19 crisis.

“Tulungan nalang natin siya at magbayanihan tayo para mas mabilis nating malampasan ang pagsubok na ito,” ayon sa senador.

“Ibang klaseng giyera ang hinaharap natin ngayon at ang kalaban ay hindi natin nakikita. Kailangan ang kooperasyon ng lahat. DOH cannot do it alone,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?