283

Dec 26, 2018 @ 11:18
By

Mahirap mag-recruit ng malakas na kakampi sa Cleveland – LeBron

Aminado ang four-time NBA MVP na si LeBron James na pausbong pa lamang siya sa liga ay nagre-recruit na siya ng pwedeng maging kakampi sa mga koponang sinasalihan.

Sa kanyang panayam sa ESPN, tahasang sinabi ni LeBron na siya’y laging naghahanap ng malalakas na kakampi buhat pa noong 2007 sa Cleveland.

“I’ve been trying to get guys to come play with me since, like, 2007. I’ve got rejected a lot. But I’ve also have not got rejected a lot,” ayon sa three-time NBA champion.

Kanya pang inilahad na siya’y nahirapan sa pagre-recruit noong nasa Cleveland pa, dapat umano ay kukunin ang mga dating All-Stars na sina Michael Reed, Joe Johnson at Chris Bosh ngunit hindi mapalipat sa Cavs.

“A lot of people didn’t want to come to Cleveland, let me just throw that out there,” ayon kay James. “I tried to recruit so many guys to come to Cleveland, and we actually had — I had — a couple guys and it just didn’t work out.”

Ngayong nasa Los Angeles Lakers na siya, isa sa mga koponang may malaking panghatak sa superstars, naniniwala si LeBron na hindi siya mahihirapan sa pagkumbinsi para bumuo ng bagong powerhouse team sa West.

“So now that I think being in LA, I don’t think it would be that hard to get guys here,” ani pa ng 14-time NBA All-Star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?