451
Sotto binara ang mga US senator na nanawagan na palayain si De Lima
Jun 27, 2019 @ 14:44
By

Mahirap bakuran: Isda sa karagatan ng ‘Pinas, pwedeng galing China – Sotto

Mahirap madetermina kung paano masasabing ekslusibo ang mga yamang dagat sa exclusive economic zone ng Pilipinas dahil posibleng galing din ito sa karagatan ng China, ayon kay Senate President Tito Sotto.

Sa panayam kay Sotto sa Early Edition sa ANC, sinabi ni Sotto na mahirap malaman kung saang bansa nanggaling ang mga isda sa EEZ.

“The fish could be coming from China and the fish from the Philippines could be going to China,” saad ni Sotto.

“If we want to be technical about it, relate it to the constitutionality of what should be owned by us, there are exclusive type of fish that are only found in China but can be found here because of migration perhaps,” tugon niya nang maitanong kung labag ba sa Konstitusyon ang pangingisda ng ibang lahi sa karagatan ng ‘Pinas.

Hinamon din ni Sotto na maghain ng impeachment case ang mga naniniwalang pwedeng mapatalsik si Duterte sa kanyang sinabi na hindi mapipigilan ang pangingisda ng mga Chinese sa West Philippine Sea.

“I suggest that they file an impeachment and let’s see if they are right,” ayon kay Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?