595

Nov 19, 2021 @ 19:00
By

Mahinang lider, spoiled! Duterte hindi bilib kay Marcos Jr.

Walang tsansa na magkaroon ng koalisyon sa pagitan ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at ng Lakas-CMD kung saan tumatakbo ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio at si Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte matapos makaharap ang mga lokal na opisyal sa Oriental Mindoro noong Huwebes, November 18.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya gustong makipag-alyansa sa Lakas-CMD dahil kay Marcos Jr. at dahil wala itong bilib sa huli.

Sinabi ng Pangulo na mahinang lider si Marcos at mayroong bagahe sa kanyang pagkatao.

“No I cannot because nandiyan si Marcos eh. Hindi ako bilib sa kanya. He is really a weak leader. Hindi ako naninira ng tao, talagang weak. Kasi spoiled child, only son. Of course, he can talk, he delivers English, ma-articulate nag-aral kasi kung saan-saan sa labas. Pero kung sabihin mo may crisis ganoon, he’s a weak leader at saka may bagahe siya, totoo ‘yan,” anang Pangulo.

Hindi aniya siya naninira o gumagawa ng mga kuwento pero dapat na ito ang tingnan ng mga Pilipino sa darating na halalan.

Naniniwala rin si Pangulong Duterte na hindi kakayanin ni Marcos Jr., ang magpunta sa iba’t ibang lugar na may krisis gaya ng ginawa niyang pagpunta sa mga delikadong lugar gaya ng Jolo sa Sulu at sa Marawi City.

“I do not foist lies, masisira ka. Bantay kayo pag nagkamali ang Pilipinas. I’m not saying mas mahusay ako. Maybe magkaroon siya ng maraming pera, may magpahiram or mga loan, puwede ‘yan sila. Pero kung sabihin mo ‘yung lugar na papuntang may gulo, doon sa Jolo eh walang pumupunta doon. Takot lang niya,” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?