9

By

Mahilum, PHL bet sa HK WVC

Sharing is caring!

Magiging pambato ng Pilipinas si Andrico Mahilum sa World Vertical Circuit 2018 final leg sa darating na Disyembre 2 sa Hong Kong.

Kinopo ng 33-anyos, tubong Calatrava, Negros Occidental at isang sundalong may ranggol corporal ang pribilehiyo nang maging top local winner, 6th place overall sa Kerry Sports Vertical World Circuit sa Shangri-La Hotel BGC, Taguig City.

Tinugaygay noong Linggo, Hulyo 8 ng Philippine Army Athletics Team member ang paakyat at pababang 59 na palapag na arangkadahan sa loob ng 7 minuto at 59 na Segundo.

Sumegunda sa Local Category men’s division si Aver Sister (9:07), at Regie Lumawag, habang top 3 winners sa women’s side sina Rosalyn Russel (9:30), Nhe Ann Barcena ng Panukulan, Quezon (10:53) at Veronica Losa (13:51).

Uno-dos-tres sa International Category male sina Piotr Lubodzinki ng Poland (6:56), Ryoji Watanabe ng Japan (7:09) at Wai Ching Soh ng Malaysia (8:13), at sa female ay sina Australians Suzy Walsham (8:13) at Alice McNamara, at Japanese Yuko Tateishi (9:15).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?