7

By

Mahika sa Red Lions, bitbit ni Lim sa Altas

Sharing is caring!

Misyon ni Frankie Lim na dalhin sa Perpetual Help Altas ang winning culture nito bilang champion coach sa San Beda Lions sa 94th NCAA senior men’s basketball tournament na magsisimula sa July 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“We’re not reaching for the moon, we just want to bring back the competitiveness and the winning culture also,” saad ni Lim na pinalitan si Nosa Omorogbe bilang head coach ng Perpetual Help.

Nakaraang November inatang kay Lim ang pagiging head ng Las Pinas-based school basketball program at pagkatapos ay na-appoint maging coach nitong January.

Naniniwala si Lim na mabibitbit niya ang kanyang mahika na ginamit nito ng gabayan ang San Beda Lions sa apat na NCAA championships noong 2007, 2008, 2010 at 2011.

Hindi pa nakatikim ng kampeonato Perpetual Help sa senior basketball sapul ng sumali sila sa liga at nais ni Lim na bigyan sila.

“That is everyone’s hope,” ani Lim.

Ayon kay Lim malaking bagay ang pagsali nila sa PBA D-League at Filoil tournament para sa kanyang newcomers, ibabandera niya sa liga si Nigerian 6-10 Prince Eze.

“We’re in a rebuilding process and we have more new players than old ones. So our experience in the PBA D-League and Filoil somehow helped us facilitate the transition while giving the players confidence for the coming NCAA wars,” hayag ni Lim. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?