efren
By

Mahika ni Reyes, muling ikukumpas

Sharing is caring!

Hindi pa handang magretiro ang 63-anyos na Pinoy billiards legend na si Efren ‘Bata’ Reyes at susubukang ikumpas muli ang kanyang mahika sa paglahok sa kauna-unahang Dubai 10-Ball Championship sa darating na Oktubre.

Bibigyan ng wildcard entry si Reyes, tinagurian ding ‘Magician’ at tubong Angeles City sa Pampanga, para sa Dubai open tournament na may cash prize na US$100,000.

Kinilala si Reyes bilang greatest pool player of all time ng Pilipinas dahil sa mga inuwing kampeonato sa mahigit 70 international championships.

Tinagurian ring greatest living pool player in the world si Reyes ng mga professional pool players sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sasargo ang open tournament sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?