22

By

Mahihirap na Pinoy dumami, pinakamataas sa administrasyong Duterte – SWS

Sharing is caring!

Kasabay nang pag-init ng isyu ukol sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumami sa mga Filipino ang nagsabing mahirap sila.

Base sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 3rd quarter ng taon, 52 porsiyento o katumbas ng 12.2 milyong pamilya ang ikinunsidera ang sarili na mahirap.

Ito ang pinakamataas simula noong Disyembre 2014 at mataas ng apat na puntos sa naitalang 48 porsiyento noong Hunyo at 10 porsiyentong mas mataas noong nakarang Marso.

Sa bagong resulta, walong porsiyento ang nagsabi na hindi nila ikinukunsidera ang sarili na mahirap noong nakaraang taon.

May 48 porsiyento naman ang nagsabi na hindi sila mahirap at 10 porsiyento sa kanila ang nagsabing mahirap sila dati.

May 8.5 milyon o 36 porsiyento ang nagsabi na naghihirap sila sa pagkain at mataas ito ng dalawang puntos noong Hunyo.

Marami sa mga nagsabing sila ay naging mahirap ay sa Luzon (47%) at Mindanao (65%).

Isinagawa ang survey nitong Setyembre 15-23 at may 1,500 respondent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?