16

Apr 16, 2020 @ 15:15
By

Mahihirap, maliliit na negosyante sagot ng gobyerno – Roque

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na patuloy sa pag-aabot ng ayuda ang DOLE para sa mga manggagawang Pinoy.

“Yung mga formal worker o yung mga nagtatrabaho sa mga formal na sector ng ating ekonomiya, meron na po tayong mabigyan ng biyaya na 167,941 na mga mangagagawa at nakabigay na po tayo sa pamamagitan ng COVID-19 adjustment measures program o CAMP ng P840M dito sa mga manggagawa sa pormal na sector,” wika ni Roque.

Dagdag pa nito, nagbigay din ng konsiderasyon ang gobyerno dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ngayon ng mga mangagagawa na naipit sa trabaho dulot ng ECQ.

“Lahat po ito ay dahil naiintidihan natin na kung hindi magtatrabaho po ang mga manggagawa, walang kakainin ang kanilang mga pamilya,”saad pa ni Roque.

“So sinasagot na po ng gobyerno, galing po sa National Budget ang mga pangangailangan ng mga pinakamahihirap na ating mga kababayan.”

Siniguro rin ni Roque na maaabutan ang mga small business enterprises o SMEs.

“Bukod diyan, hindi lang yung pinakamahihirap ang ating binibigyan ng biyaya. Pati po yung maliliit na negosyante yung small and medium enterprises ay binigyan na po natin ng P50B sa pamamagitan ng salary subsidy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?