7

Mar 4, 2021 @ 13:36
By

Mahigit walong libong health worker nabakunahan na ng Sinovac vaccine

Umabot na sa mahigit walong libong health workers ang nakatanggap ng Sinovac vaccine sa loob ng tatlong araw matapos simulan noong Lunes sa National Capital Region.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na ginawa ang rollout ng bakuna aa 28 mga hospital at vaccination sites sa NCR.

Ngayong Huwebes ay ilalarga naman ang pagbakuna sa Cebu at Davao City habang ipinadala na sa ibang mga lalawigan ang bahagi ng 600,000 Sinovac doses na ibinigay ng Chinese government.

“Of the 600,000 doses of vaccine that arrived on Sunday, 189,600 have been delivered. Bukod sa nadeliver na sa mga sites dito sa Metro Manila , may 12,000 doeses na rin po na napadala sa Davao City at 7,200 doeses naman aa Cebu City,” ani Nograles.

Sinabi ng kalihim na nasa 222,783 ang master list na nasa prayoridad ng mga mababakunahan at ito ay gagawin sa 234 vaccination sites sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?