12

Aug 24, 2021 @ 13:41
By

Mahigit P600K shabu itinago sa kahon ng face shield nasabat sa Maynila

Arestado ang isang lalaki sa Maynila matapos magbenta ng sandamakmak na hinihinalang shabu na isinilid sa kahon ng face shield.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si alyas Blue na natimbog sa Baseco Compound.

Nasabat sa kanya ang dalawang plastik ng umano’y shabu na may bigat na 100 gramo.

Sa tantsa ng mga awtoridad, papalo ito sa halagang P680,000.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kilalang drug pusher si Blue sa Baseco.

Umeskapo naman ang isang kasabwat ng suspek habang ikinakasa ang buy-bust operation.

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang nakatakas na lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?