63

By

Mahigit P300M intel support ng US, ikinagalak ng Palasyo

Ikinalugod ng Malacañang ang pangakong mahigit 300 milyong pisong intelligence support ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na welcome sa Palasyo ang hakbang ng gobyerno ng Amerika na indikasyong patuloy na lumalakas ang military alliance sa pagitan ng dalawang bansa.

Kailangan aniya ng Pilipinas ang lahat ng tulong at kooperasyon ng mga bansang miyembro ng United Nations upang malabanan at matuldukan ang terorismo.

Binigyang-diin ni Panelo na walang kinikilalang teritoryo, relihiyon at politika ang terorismo.

“We welcome the United States’ commitment in fighting terrorism. This shows that our military alliance remains strong,” ani Panelo.

Tinitiyak naman ng Malacañang na mas pinalakas pa ng gobyerno ang mga hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Nanawagan si Panelo na sa publiko na maging alerto at mapagmatyag sa kanilang komunidad at i-report agad sa mga awtoridad ang mga mapapansing mag kahina-hinalang kilos na posibleng maghatid ng panganib sa mga inosenteng mamamayan .

“We assure the nation that security for our people have been enhanced. We call our people to be vigilant and report to the authorities any suspicious act by any person or group of persons in their communities that may tend to endanger their lives, limbs and properties,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?