285
sunog
Jul 30, 2018 @ 12:58
By

Mahigit 60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Butuan

Nasa 63 na pamilya umano ang nawalan ng matitirahan dahil sa sunog na tumupok sa may 80 kabahayan sa Butuan City noong Sabado.

Pawang gawa umano sa light materials ang mga bahay sa naturang lugar kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Luz Sabalo sa Barangay Obrero.

Isang sunog sa kusina umano ng bahay ni Sabalo ang natanggap na ulat ng city fire marshal na si Cesar Dejos.

Hindi pa batid ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog at kung may nasaktan o namatay sa insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?