23
views

By

Mahigit 5K barangay, isinailalim sa election watchlist ng PNP

Sharing is caring!

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang mga election watchlist areas sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. John Bulalacao, nasa 5,744 mga barangay ang itinuturing na nasa talaan ng Directorate for Intelligence na election watchlist.

Kabilang sa mahigpit na tututukan ng PNP sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay ang mahigit na 2,000 barangay sa Region 1, mahigit 3,000 naman sa Region 2, at 271 sa Region 3.

Nasa category 1 o mataas ang banta o inaasahang maraming magaganap na gulo sa eleksiyon ang Region 5 o Bicol Region na may 1,258 barangay, sinundan ito ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na may mahigit na 800 barangay.

Habang nasa 37 barangay naman sa Region 12 at nasa 14 na barangay sa Region 1.

Sa National Capital Region naman, umaabot sa 53 ang nasa talaan ng watchlist areas ng PNP para sa barangay elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?