10

Feb 23, 2021 @ 21:23
By

Mahigit 59K katao inilikas dahil kay ‘Auring’

Inilikas ang 59,170 indibidwal dahil sa banta ng hagupit ni Auring ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.

Ani NDRRMC spokesperson Mark Timbal, mula umano sa Caraga, Central Visayas, Eastern Visayas at Northern Mindanao Region ang mga bakwit.

“Nakapag-preemptive evacuation po ang ating mga local government diyan sa Region 7, Region 8, Region 10 at Caraga,” ani Timbal

“Umabot na po ng 16,059 families or a total of 59,170 persons ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers at ‘yung iba namn po ay nakituloy sa mga kamag-anak at kaibigan po nila in safer areas,” dagdag pa niya.

Aniya, kasalukuyan pang umaarangkada ang mga rescue operation sa ibang lugar.

Ayon sa ulat ng GMA News, kasalukuyang patungo nang eastern coast ng Albay ang bagyo na naging low pressure area.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?