6

Mar 5, 2021 @ 19:11
By

Mahigit 2K military health worker, naturukan na ng Sinovac vaccine

Inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 2,290 military healthcare worker nila ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Anang AFP, 598 dito ay nabakunahan sa Victoriano Luna Medical Center, 583 sa Camp Aguinaldo Station Hospital, 349 sa Manila Naval Hospital, 566 sa Army General Hospital at 194 naman sa Philippine Air Force General Hospital.

Ani AFP chief Lieutenant General Cirillo Sobejana, malaking tulong ito sa mga kawani ng sandatahang lakas dahil magagawa nila nang mas mabuti ang kanilang mga tungkulin sa bansa.

“The AFP is grateful to the national government to have our health workers be among the first to receive a COVID-19 vaccine. This gives protection to our military frontliners as they carry out their duties to serve and treat our citizens,” wika niya sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?