By

Mahigit 1K na babae, nahalikan ko na – Duterte

Sharing is caring!

Sa kabila ng mga banat at batikos dahil sa kontrobersiyal na halik sa isang overseas Filipino worker sa South Korea, ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigit 1,000 babae na ang nahalikan nito sa labi.

Ayon sa Pangulo, walang malisya ang mga halik nito sa mga babae lalo na at ito ay dahil sa kanyang pagiging politiko.

Tuwing panahon ng kampanya ay maraming mga babae ang nahalikan nito sa labi, karamihan ay mga supporter nito.

“Kaya ‘yung natutunan ko my father was governor for 12 years. Diyan ko natutunan ‘yang pulitika. And I really embrace and kiss people. Huwag lang ‘yang pedophile ka. But ‘yung magaganda, hinahalikan ko talaga. Uso ‘yung baller. Tapos mag-distribute ako, sabi ko ‘who wants to be kissed? You can have this but you have to kiss me on the lips.’ And I kissed them. Maybe I have kissed a thousand ladies on the lips,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na ang paghalik sa mga babae ang style niya sa pulitika.

Nagbiro pa ang Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong airport sa Cebu noong Huwebes na handa siyang humalik muli kung mayroong magboluntaryong magpahalik.

“What about the kiss? Halik… Sabi ko kung may volunteer ngayon eh… Eh ano? ‘Di ba tinanong ako ni [Luchi] Who was that ‘yung nag-anchor ng debate? O tinanong niya, ‘Mayor, may balita na babae ganun…’ So sabi ko, ‘tama ka.’ It’s biology. You don’t need it? I do. Talagang ganun lang. That’s the long and short of it. Biology,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang lalong inasar ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kritiko pagbalik mula sa South Korea sa pagsasabing nainggit lang ang mga bumabatikos sa kanya dahil may bad breath ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?