297

Jul 27, 2021 @ 17:02
By

Mahigit 187K COVID bakuna ipadadala sa Albay

Magpapadala ng 187,982 dose ng COVID-19 vaccine ang Department of Health (DOH) sa Albay.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda sinabi ng DOH sa isang sulat na magpapadala ito ng 108,292 dose ng Sinovac, 50,600 dose ng Johnson and Johnson, at 29,090 dose ng Astra Zeneca sa kanyang lalawigan.

“That’s a total of 187,982 doses arriving from July onwards, enough to vaccinate an additional 15% of our population a first dose,” sabi ni Salceda. “Of course, we want to be able to achieve herd immunity this year, and so, we hope to be able to receive more commitments by August and September.”

Nauna rito, sumulat si Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte upang ipaalam na may kakayanan ang kanyang distrito na magtago ng mga bakuna na sapat para maabot ang herd immunity.

“We are pleased to inform the President (Rodrigo Duterte) and the NTF (National Task Force) that the district is capable of storing and administering about 190,200 doses of Pfizer or 312,000 doses of Moderna COVID-19 vaccines. The district is fully capable of handling enough vaccines for herd immunity,” sabi ni Salceda.

Ang mga cold storage facility ay matatagpuan umano sa Legazpi City, Daraga, at Camalig.

Ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccine ay nangangailangan ng ultra low temperature upang hindi masira habang nakaimbak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?