22

Apr 21, 2020 @ 14:51
By

Mahigit 15K pasaway nahuli ng SPD

Nanguna ang Southern Police District (SPD) sa pinakamaraming nahuling mga pasaway sa enhanced community quarantine (ECQ).

Umaabot sa 15,475 ang nahuli ng SPD, na sinundan naman ng Northern Police District (NPD) na mayroong 7,407 nahuling pasaway habang mahigit 2,000 pasaway naman ang naaresto sa Eastern Police District (EPD) at Quezon City Police District (QCPD), at 1,714 naman sa Manila Police District (MPD).

Ayon ito kay Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa sa kanyang isinagawang virtual presser kahapon ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?