10

Mar 7, 2021 @ 20:43
By

Mahigit 13K Pinoy nabakunahan na vs COVID-19 – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na pumalo na sa 13,639 indibidwal ang nabukanahan nila kontra COVID-19 sa bansa simula Marso 1.

“As of 6 p.m. kahapon po (Friday) meron na po tayong 13,639 individuals na nabigyan na natin ng bakuna among our 39 vaccination sites,” ani DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang public briefing.

Ani Vergeire, tataas pa ang bilang ng mga mababakunahan lalo pa’t may pagpipilian ng bakuna ang mga magpapaturok.

“We expect na tataas pa update lalong lalo na po at meron na ho tayong ibibigay sa kanila na option because AstraZeneca vaccines are here already,” wika niya.

BASAHIN:
38,400 pang AstraZeneca vaccine darating sa March 7 — Galvez
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?