69

Sep 15, 2021 @ 18:29
By

Mahigit 100 madre sapul ng COVID

Ni-lockdown ang Religious of the Virgin Mary convent sa Quezon City matapos umanong 103 madre nito ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat, maaaring nahawa ang mga madre sa driver ng kumbento na siyang inuutusang lumabas tulad ng pagkuha ng pagkain at dokumento.

Nagsagawa umano ng mass swab testing sa kumbento matapos magkaroon ng isang positibo roon.

103 umano ang nagpositibo sa ginawang mass testing na puro madre na senior citizen.

Matatagpuan ang kumbento sa N. Domingo Street sa New Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?