21

By

Mahigit 100 kilong hot meat, nasabat sa Davao del Sur

Nasa 114 kilo ng “hot meat” ang nasamsam sa isang palengke sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur, Biyernes ng umaga.

Ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS), nag-surprise visit sila sa isang palengke sa bayan ng Bansalan at siniyasat ang mga panindang karne kung saan ay hinanapan nila ng meat inspection certificate ang mga tindero at tindera subalit wala silang maipakita kaya agad na kinumpiska ang mga karne.

Ayon kay NMIS-Davao regional head Sofronio Lago Jr., makokonsiderang hot meat at mishandled ang karne at kinumpiska rin ang isang patay na kalabaw matapos paghinalaang “flooded” ito o pinainom muna ng maraming tubig upang bumigat ang timbang ng karne.

Agad namang ibinaon sa lupa ang mga nakumpiskang karne.

Nagbabala ang NMIS na maaaring pagmultahin at kanselahin ang business permit at permit to operate ng mga mahuhuling vendor o dealer alinsunod sa Republic Act No. 9296 o ang Meat Inspection Code of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?