5,971

Sep 14, 2021 @ 15:59
By

Pisay students kinalampag Twitter

Gumawa ng ingay ang ilang mag-aaral ng Philippine Science High School Ilocos Region Campus sa Twitter ngayong Martes.

Ang dahilan? Hindi karangalan ng mga estudyante – kundi kahihiyan ng isang guro.

Trending ang mga hashtag na #gerogeinjailparty at #PisayDoBetter matapos lumantad ang ilang estudyanteng may reklamo ng sexual harassment sa isang guro ng IRC.

Ilang Twitter threads ang sumambulat sa netizens kung saan kinuwento nila ang mahahalay na chat ng guro.

Bukod daw sa pagdadala nito sa mga topic tungkol sa sex at masturbation ay humihingi pa ito ng larawan ng ari ng kanyang mga lalaking estudyante habang pinapadala niya rin ang larawan ng kanya.

Mayroon pang isang estudyante ng IRC ang sinabing humiling pa ng guro na makipagvideo-call habang gumagawa ng kahalayan.

Sa pamamagitan ng pag-iingay sa social media, umaasa ang mga nabiktima ng guro na himas-rehas ang kahahantungan ng guro.

Gayundin, umaasa ang mga estudyante na papanigan ng Pisay ang mga mag-aaral at hindi ang imahe nito bilang premyadong paaralan.

Wala pa namang pahayag ang Pisay IRC tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?