31

Sep 10, 2021 @ 17:34
By

Mahal na vaccine certificate pinalagan sa Kamara

Naghain ng resolusyon ang ilang kongresista upang paimbestigahan ang paniningil sa mga indibiduwal na kumukuha ng international vaccine certificates (IVC).

Ayon sa House Resolution 2198, bukod sa P300 na sinisingil ng Bureau of Quarantine (BOQ) para sa IVC ay sinisingil din ang mga kumukuha nito ng P70 convenience fee.

“Whereas, there is a need for more transparency and more government information as to the Bureau of Quarantine’s charging for the issuance of the IVC in view of existing laws on the matter,” sabi sa resolusyon.

Upang makakuha ng IVC ay kailangang mag-book ng appointment sa BOQ website at magbayad ng P300 para sa certificate at P70 na napupunta sa FinTech company na PisoPay.

Lumalabas umano na pumasok sa kasunduan ang BOQ at PisoPay na nagsisilbing collecting agent ng ahensya.

Ang PisoPay ay itinayo umano noong 2017 at nabigyan ng lisensya ng Bangko Sentral ng Pilipinas bilang isang remittance agent noong 2019. Hindi umano ito buong pagmamay-ari ng mga Pilipino.

Ang IVC ay kailangan ng mga Pilipino upang patunayan na sila ay nabakunahan na laban sa COVID-19 kapag pumunta sila sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?