67

Jan 3, 2022 @ 20:13
By

Mahal na swab test sisilipin

Sisilipin ng gobyerno para muling mapag-aralan ang mataas pa ring singil sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test o swab test para sa COVID-19.

Kasunod ito ng ulat na ginagawang negosyo umano ng ilang pribadong laboratoryo at pribadong ospital ang RT-PCR test sa kabila ng itinakdang price cap dito ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ginagamitan na ng teknolohiya ang pagsusuri sa COVID-19 kaya dapat na rin siguro aniyang i-assess ang presyuhan o singil para rito.

“Well, obviously, if the technology gets better and we’re able to access that technology for here, for the Philippines, then we will do it. Perhaps you’re right, maybe we can start assessing again the prices, although we went through that cycle, we went through cycles of putting those caps on the RT-PCR. So maybe, it can be something that we can explore again or the DOH can explore again.,” ani Nograles.

Batay sa ulat, naniningil pa rin umano ang ilang mga hospital at laboratoryo ng mula P3,500 hanggang P5,000 sa kabila ng price cap na itinakda ng pamahalaan.

Sinabi ni Nograles na sagot ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang RT-PCR tests ng mga naoospital na hinihinalang may COVID-19 kaya walang dapat na alalahanin para dito.

Ang mga gagastos lamang sa RT-PCR tests ay yaong mga indibidwal na nais makasiguro kung dinapuan ba sila ng virus o hindi at nagbabayad ng mataas na singil Mula sa mga laboratoryo at mga hospitak.

“Covered naman ng PhilHealth ‘no iyong RT-PCR if you’re in the hospital obviously, and then you get swabbed then that’s covered by PhilHealth. Ang hindi covered is if you take an RT-PCR on your own which some of us need to do ‘no for our protection, safety and also for [unclear] especially if you have symptoms. But if you’re in the hospital and then we have to get swabbed, that’s covered naman by PhilHealth,” dagdag ni Nograles.

Matatandaang naglabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na taon kung saan inatlaşan ang DTI at DOH na magpatupad ng price cap para sa PCR testing.

Ang mga mapapatunayang magsasamantala at maniningil ng mataas sa RT-PCR tests ay sususpindehin ang lisensiya at pagmumultahin ng malaking halaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?