925

By

Mahal ko ang mga Pinoy! Chinese na nanapon ng taho, gusto pa sa ‘Pinas

Humihingi pa ng isa pang tsansa ang Chinese student na nambastos ng isang police official sa MRT-3 Boni Station noong Sabado, February 9.

Sa panayam kay Jiale Zhang, 23-anyos at isang fashion design student, ng 24 Oras ng GMA-7, sinabi nito na kanya lamang nagawa ang pagtapon ng taho kay PO1 William Cristobal dahil sa pagka-badtrip umano nito noong araw na ‘yon.

“I was in a bad mood and I was not able to control my emotions,” saad nito.

Kaya naman hiling nito ay bigyan pa siya ng pagkakataon na makapanatili sa bansa sa kabila ng mga deportation issue na inaaral ng Philippine National Police at Bureau of Immigration.

“I really like the Philippines, that’s why I stay here. I like the people here. I really love Filipinos, that’s why I stayed here and I like this country,” saad nito habang naluluha.

Si Zhang ay anim na taon nang naninirahan sa Pilipinas, na matatandaang nag-viral matapos maispatan na nanapon ng taho dahil hindi pinayagan na ipasok ito sa loob ng istasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?