32

May 25, 2020 @ 15:52
By

Magulong lider! Duque palitan na – Hontiveros

Kung naghahanap ang Palasyo ng papalit sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque, dapat pagdesisyunan na ito sa lalong madaling panahon, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“The government should decide soon because it is difficult to change horses midstream,” sabi ni Hontiveros.

“Bawat araw, nawawala ang tiwala ng publiko sa anti-COVID-19 response ng gobyerno dahil kulang at magulo ang leadership ni Sec. Duque,” dagdag nito.

Bukod sa kahinaan ng liderato ni Duque, sinabi ni Hontiveros na dapat i-overhaul ang health system ng bansa ng sa gayon ay mapaganda ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“But the problem is bigger than the current health secretary. There is an institutional and systems failure that goes beyond one person. Our health systems need a drastic and urgent overhaul and improvement for us to more effectively respond to COVID-19,” sabi ng senadora.

“Beyond sacrificial lambs, collective political leadership is required to shepherd the nation out of this crisis,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?