7

Sep 28, 2020 @ 18:10
By

Maguindanao councilor todas sa ambush

Patay sa pananambang ang isang konsehal sa Maguindanao town nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat, sakay si Guindulungan Councilor Morsid Lauban ng kanyang itim na Toyota pick-up truck at patungo sana sa municipal hall para sa flag-raising ceremony nang tambangan sa mga border ng Guindulungan at Talayan.

Namatay on the spot ang konsehal habang sugatan ang dalawang kasama niya, na hindi na kinilala para sa kanilang seguridad.

Kinondena naman ni Mayor Midpantao Midtimbang Jr., ang insidente at nanawagan sa pulisya na agad hulihin ang mga taong nasa likod ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?