64
Abante-TnT-kiko-pangilinan
By

Magtrabaho ka kaysa manakot tungkol sa Rice Tarrification bill – Pangilinan kay Piñol

Tinuligsa ni Senador Kiko Pangilinan si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol dahil sa pang-aalarma na mawawala na ang murang bigas ng National Food Authority (NFA) sa mga pamilihan kapag naging batas ang Rice Tariffication Bill.

Ayon kay Pangilinan, kaysa nananakot si Piñol, dapat inihahanda nito ang mga magsasaka sa tiyak nang pagsasabatas ng Rice Tariffication.

Dapat din umanong pinaplano na rin ni Piñol ang pagtiyak ng sapat na suplay at mababang presyo ng bigas.

“Fulfill duty to provide available and affordable rice, not create alarm,” sabi ni Pangilinan ukol kay Piñol.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Piñol na maglalaho na ang NFA rice na presyong P27 kada kilo sa Rice Tariffication.

“It’s as if he’s giving estimates on casualties when he has advance information of an approaching storm. In case of a coming storm, as leader of the country, he should tell everyone what he will do so that no one dies from the disaster,” sabi ni Pangilinan.

Sa panukalang batas, magiging malaya ang pribadong sektor na mag-angkat ng bigas na magpapabaha ng suplay nito kaya bababa ang presyo salungat umano sa babala ni Piñol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?