24

Mar 7, 2021 @ 20:54
By

Magtiyuhin, tinaga ng mga sinitang rider sa Bulacan

Utas ang isang magtiyuhin matapos pagtatagain ng mga nakamotor na sinita nila sa Poblacion, Bulacan.

Anang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng naturang probinsya, nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang 41-anyos na lalaki at 25-anyos niyang pamangkin matapos kuyugin ng mga nakamotor.

Kuwento ng mga saski, sinita kasi ng magtiyuhin ang mga salarin at sinabihang magbagal sa pagmomotor sa harap ng kanilang bahay dahil may mga bata sa kanila.

Kasalukuyan nang umaarangkada ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?