13

Jul 22, 2020 @ 15:02
By

Magtayo ng bangko sa baryo – Poe

Naghain si Senador Grace Poe ng isang panukala na naglalayong palawagin ang abot ng mga bangko sa mga remote area sa pamamagitan ng pagkuha ng “cash agents” tulad ng mga kilalang convenience store, pharmacy at iba pang retail outlet para lalong maserbisyuhan ang mga Filipino.

Sa Senate Bil 1682 o “Bangko sa Baryo” bill, sinabi ni Poe, Senate committee on banks, financial institutions and currencies, na ang mga naninirahan sa mga malalayong komunidad ay deserve din na magkaroon ng access sa bangking services dahil makakatulong ito mapaganda ang kanilang buhay.

“In many parts of the country, people are unable to borrow and receive financial help because they lack access to banks, which are often located long distances away,” sabi ni Poe sa isang statement.

“Our ordinary folks should no longer cross rivers or climb mountains just to reach the bank in their locality in order to gain access to much-needed resources that can help better their lives,” dagdag nito.

Sa pamamagitan ito ng cash agent, ang mga tao ay maari nang magsagawa ng real-time withdraw o deposit transaction para kanilang bank account, mag-fund transfer, bill payment at self-service transaction.

Ang mga cash agents ay maaring tumanggap ng payment due sa mga government institution kabilang ang kontribusyon sa Social Security System at premium na payable Philippine Health Insurance Corporation at PAG-IBIG.

Sabi ni Poe, layunun din ng panukala na pumasok sa financial mainstream ang malaking bahagi ng populasyon ng bansa.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ani Poe, 60 porsiyento ng adult population ng Pilipinas o iyong may edad na 15 pataas ay nanatiling ‘unbank’ o hindi gumagamit ng bangko.

Mahigit 15 porsiyneto lang ang mga ipon sa bangko hasbang 10 porsiyento naman ang umuutang ng pera mula sa mga financial institution.

Halos 33 porsiyento naman ng lingsod at minisipalidad sa bansa ang walang banking presence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?