22

By

Magtalaga ng disaster czar sa Batangas – Villanueva

Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa pamahalaan na magtalaga ng disaster czar na tututok sa relief operation sa ginawang relief operation sa Batangas para sa mga residenteng naapektuhan ng pasabong ng Bulkang Taal.

Naisip ni Villanueva ang ideya matapos maiulat na hindi pantay ang pamimigay ng mga relief good sa mga evacuation centers kung saan pansamantalang naninirahan ang mga biktima ng pagsabog ng Taal.

“Some evacuation centers have more than other places. If people are expected to stay longer in these evacuation centers, we must be able to manage our available resources well so we can cover the basic needs of our evacuees,” sabi ni Villanueva sa isang statement.

“For instance, we’ve observed that there’s a lack of portalets to maintain the sanitation around evacuation centers. We need a manager to assess the needs and look after the delivery of relief across affected areas,” dagdag pa nito.

Bukod diyan, minungkahi ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee, na gumawa na paraan para mabigyan ng short-term na trabaho ang mga biktima na nasa evacuation centers.

“If you’re sending relief to certain evacuation centers, why not hire someone there to take charge in the cooking of food for the people there? Or maintain the place for that matter?” punto ng senador.

“We should strive to help our people displaced by the eruption of Taal get back on their feet through employment and livelihood,” dagdag pa nito.

Hinikayat din nito ang labor department para madaliin ang emergency deployment program para masuportahan ang mga ‘bakwit’ habang naghihintay na matapos ang krisis.

Sa ilalim ng 2020 national budget, may alokasyong P6.8 bilyon para sa program ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa emergency employment, tulad ng government internship program at Tulong Pangkabuhayan para sa mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?