49

Dec 9, 2021 @ 11:03
By

Magsayo tangka WBC featherweight title

Sasagupain ni Pinoy boxer Mark Magsayo ang WBC world featherweight title holder na si Gary Russell Jr. sa susunod na taon, batay sa ilang ulat.

Ito ang magiging unang sabak ni Magsayo sa isang world title fight.

Samantala, ito na ang magiging pang-anim na depensa na Russell sa kanyang titulo.

Matatandaang huling lumaban si Magsayo sa undercard ng Pacquiao-Ugas fight noong Agosto kung saan pinatumba niya sa ika-10 round si Julio Ceja.

Dala ni Magsayo ang malinis na 23-0, 16Kos na kartada, habang impresibo rin ang record ni Ceja sa 31-1, 18 Kos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?