Magsayo naidepensa ang WBO international featherweight crown

Sharing is caring!

Tagumpay ang pagdepensa ng walang talong si Jessel Mark Araula Magsayo ang kanyang WBO International Featherweight title laban sa Japanese challenger Shota Hayashi samian event ng Pinoy Pride 43: The Battle in Bohol noong Sabado ng gabi.

Napanatili ng 22 anyos na si Magsaya ang kanyang koron sa pamamagitan ng unanimous decision kontra Hayashi para iakyat ang kanyang record sa 18-0, 13 dito ay sa pamamagitan ng knockout lahat ng judges ay umiskor ng 116-112 pabor sa Bohol native na si Magsaya.

Maganda ang ipinakitang depensa ni Hayashi, 30, sa unang dalawang round subalit nagpaulat ng suntok si Magsayo sa third laban sa kanyang katunggali.

Sa sumunod na round, kumonekta sa ulo si Magsayo, na kilala sa tawag na Magnifico.

Nakipagsabayan at bumawi Hapon sa 5th at 6th round subalit sa mga sumunod na round hanggang sa matapos ay hindi nagpatinag si Magsaya na kumonekta ng solidang suntok para makuha paboran ng mga hurado.

Wala pa ring talo si Magsayo habang si Hayashi ay nalaglag sa 30 winds, 6 loses at 1 draw na may 18 KOs. Siya ay dating Japanese featherweight champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?