12

Sep 26, 2020 @ 22:38
By

Magsayo kontra Hermosillo sa Oktubre 3

MAPAPASABAK na si Filipino featherweight Mark Magsayo (20-0, 14 KOs) kontra Rigoberto Hermosillo (11-2-1, 8 KOs) ng Mexico sa Oktubre 3 sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California, USA.

Una nang naka-iskedyul ang 25-anyos na pambato ng Bohol na si ‘Magnifico’ Magsayo kontra Jose Haro nitong Setyembre 23 pero hindi natuloy dahil umatras ang 33-taong gulang na karibal ng Pinoy at piniling magretiro.

“Suportahan nyo ako mga kababayan! Oct 4 sa Pinas itong laban ko. Main event po tayo,” post ni Magsayo sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?