9

Sep 27, 2020 @ 22:02
By

Magsayo kasado na vs Mexican

Lalaban na sa darating na Oktubre 3 si Pinoy undefeated featherweight Mark Magsayo matapos matengga sa inaasahang unang laban sa ilalim ng MP Promotions.

Makakatapat niya para sa 10-round main event ng FS1 PBC Fight Night na gaganapin sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California si Mexican Rigoberto Hermosillo.

Unang nakatakdang lumaban ang 25-anyos, may 5-6 na taas at tubong Tagbilaran pero sa Pasig na naninirahang si Magsay, noong Setyembre 23 kontra Jose Haro. Nagretiro na sa boxing si Haro bilang pagtupad sa hiling ng kanyang pamilya dahil sa Covid-19.

“Suportahan nyo ako mga kababayan! Oct 4 sa Pinas itong laban ko. Main event po tayo,” post ni Magsayo sa Facebook ntiong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?