317

Dec 7, 2021 @ 20:42
By

Magsasaka tinadtad ng saksak 3 bata

Kahindik-hindik ang sinapit ng tatlong bata sa kamay ng 27-anyos na magsasaka sa bayan ng Dalaguete, Cebu nitong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, walang awang pinagsasaksak ng suspek na si Junjun Guevara Quijano, residente ng Barangay Tabon, ang mga bata na edad 9, 10 at 14.

May problema umano sa pag-iisip ang suspek nang inatake ang mga biktima na naglalaba bandang alas-9:30 ng umaga sa Purok 2.

Una umanong tinadtad ng saksak ng suspek ang dalawang babae.

Sinubukang tulungan ang mga biktima ng kanilang 14-anyos na kuya ngunit maging siya ay pinagsasaksak ng magsasaka.

Matapos ang krimen ay nagsaksak sa sarili si Quijano.

Ginagamot na sa ospital ang mga biktima habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?