6

Sep 13, 2020 @ 12:00
By

Magsasaka sa Masbate tinodas ng katagay

Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang isang karpinterong pinagbabaril ang kanyang katagay na magsasaka sa Cataingan, Masbate.

Sa ulat ng pulisya ngayong Linggo, kinilala ang biktima na si Ryan Legazpino, 34, ng Barangay San Isidro.

Tinukoy naman ang suspek bilang si Mark Joseph Lobetaña, 32, ng Barangay Banco, Palanas.

Ayon sa mga imbestigador, nagtalo ang dalawa sa gitna ng kanilang inuman.

Bumunot umano ng baril ang suspek at tinira ang biktima, alas-8:45 ng gabi.

Sinubukan pa umanong isugod si Legazpino sa Cataingan District Hospital ngunit hindi na umabot doon nang buhay.

Tumakas naman ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?