64

May 23, 2020 @ 12:11
By

Magsasaka pinagtataga ng taga-barangay

Miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay Anquiray, Amulung, Cagayan tinaga ang isang magsasaka.

Putol ang paa at halos mahiwalay na ang ulo sa katawan ng isang magsasaka matapos siyang pagtatagain ng kanyang kamag-anak noong Biyernes.

Kinilala ng Amulung Police Station (APS) ang biktima na si Tirso Mamanao, 61-anyos, ng nasabing barangay.

Ayon kay APS deputy chief-of-police P/Lt. Gerly de Leon, bago ang pananaga, nagkasagutan si Mamanao at ng suspek na si Alexander Mamanao, 46-anyos, miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay Gangauan, Amulong dahil sa lumang alitan.

Sinabi ni De Leon na kinompronta ng suspek ang biktima dahil sa bintang sa umano’y pananaga ng biktima sa kalabaw ng kanyang kapatid.

Dito humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa umuwi ang suspek na kumuha ng tabas (bolo) at hinabol ang biktima at nang abutan nito, ilang ulit na pinagtataga sa kanyang noo, mukha, leeg at kaliwang paa hanggang sa naputol.

Ayon sa pulisya, kusang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong kaukulang kaso at siya ang nakakulong sa APS jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?