44
Magsasaka patay sa sunog sa Davao del Sur
By

Magsasaka patay sa sunog sa Davao del Sur

Nasawi ang isang magsasaka sa sunog na sumiklab sa kaniyang tahanan sa isang barangay sa Bansalan, Davao del Sur nitong Sabado (Abril 27) ng gabi.

Ayon kay Police Major Rodante Varona, natutulog umano si Bien Rene Mendioro Gallardo matapos makipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan nang masunog ang bahay nito sa Purok 5, Barangay Eman dakong alas-11 ng gabi.

Ayon kay Varona, sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na isa sa mga kainuman ni Gallardo na nakatira malapit sa bahay nito na si Marvin Lascania Torreon, 22-anyos, ang nakakita na umaapoy ang bahay ng kaibigan ngunit hindi nito nailigtas ang biktima.

Ayon sa pulis, nag-inuman sina Gallardo, Torreon, at isa pang kaibigan na nag ngangalang Lloyd Barro Teves, 35, bago ang insidente.

Matapos na umuwi ng tatlo, matutulog na sana si Torreon nang biglang makita na nasusunog ang bahay ng kaibigan. Narinig pa umano nito si Gallardo na humihingi ng tuong ngunit wala siyang makitang daan papasok sa tirahan dahil nilamon na ito ng apoy.

Ani Varona, pinaniniwalaang ang dahilan ng sunog ay ang electric water heater na naiwang nakasaksak at na-overheat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?