115
Magsasaka patay sa aksidente sa Quezon
Apr 7, 2019 @ 16:23
By

Magsasaka patay sa aksidente sa Quezon

Isang 58-anyos na magsasaka ang nasawi matapos na aksidenteng mabangga ng isang tourist bus sa Maharlika Highway sa Atimonan, Quezon province nitong Linggo, Abril 7 ayon sa mga pulis.

Ayon sa ulat ng Atimonan police station, nabangga ng dumaraan na bus si Rodel Ursabia Gatmaitan nang bigla itong tumawid sa highway sa Barangay San Isidro dakong ala-1:40 ng umaga.

Nagtamo ng matinding injury sa ulo at katawan ang biktima at nasawi ito habang dinadala sa Doña Marta District Hospital sa town center.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang driver ng bus na si Leonardo Villaroya.

Nakarehistro ang bus sa Elavil Tours Philippines Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?