17

Oct 6, 2021 @ 13:09
By

Magsasaka party-list humirit ng isa pang termino

Muling tatakbo ang Magsasaka party-list (MPL) sa 2022 elections.

Naghain ng certificate of candidacy ng MPL ang first nominee nito na si Rep. Argel Joseph Cabatbat sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City ngayong Miyerkoles.

Ang MPL ay unang nanalo noong 2019 elections.

Si Cabatbat ay anak ng magsasaka sa Guimba, Nueva Ecija, na naging abogado.

Isa sa mga panukala na inihain ni Cabatbat ay ang “One Town, One Product” (OTOP) Philippines Program na aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes.

Layunin ng OTOP na matulungan ang mga maliliit na negosyante.

Noong 2018, nakaligtas si Cabatbat sa isang assassination attempt sa kanto ng EDSA at East Avenue sa Quezon City. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?