103

Apr 17, 2019 @ 15:15
By

Magsasaka nilapa ng alagang baboy, dedbol

Idineklarang dead on arrival sa Isiah Medical Center ang isang magsasaka dahil sa pagkaubos ng dugo nang atakehin siya ng alagang baboy sa Odiongan, Romblon.

Kinilala ang nasawi na si Tanny Baladjay, 58, residente ng Barangay Progreso Weste sa bayan ng Odiongan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente Lunes ng hapon kung saan kumukuha ng tubig ang biktima nang lapitan siya ng lalaking baboy at atakehin.

Nakatakbo pa ang biktima pero natumba siya kaya nalapa ng baboy ang mga binti at puwet niya.

Samantala, pinatay at inilibing ng isa niyang kapitbahay ang killer baboy.

Hindi naman makapaniwala ang mga kaanak ng biktima kung bakit inatake si Tanny ng alagang baboy dahil pinakain naman nila ito bago ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?