12

Jan 19, 2021 @ 15:14
By

Magsasaka nalugmok sa depresyon, nagpatiwakal

sang magsasaka sa Tuguegarao City ang nagbigti matapos malugmok sa depresyon.

Ayon sa imbestigasyon, problemado ang magsasaka dahil sa magkasunod na operasyon nito sa gallbladder at kidney.

Sambit ng asawa sa pagsisiyasat ng kapulisan, nagpaalam ang kanyang mister na pupunta lamang sa bahay ng kanilang anak para mag linis.

Alas-7 ng gabi ay hindi pa raw nakakauwi ang kanyang mister kaya nagtungo na rin siya sa bahay ng kanilang anak.

Bumulaga sa kanya ang katawan ng mister na nakabitin gamit ang nylon sa loob ng kwarto ng kanilang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?